Gloc-9 - Magda feat. Rico Blanco Lyrics
Blog MasBr0o
Lyrics
Gloc-9 - Magda feat. Rico Blanco
Magdalena anong problema, Bakit di ka makawala sa kadena
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda, na hanap buhay mo ngayon
Magdalena anong problema alam naman natin na dati kang nena
At sa iyong ama ikaw ang prinsesa anong nangyari sayo
Ito'y kwento ng isang babaeng, Tulog sa umaga gising sa gabi
Ang kanyang muka'y puno ng kolorete, Sa lugar na ang ilaw ay patay sinde
Simulan natin ang istorya
Akoy kanyang matalik na kaibigan, Ernesto ang aking pangalan
Kwentong dapat nyong malaman, wag ng magbulag-bulagan
Bakit ang nais natin ay, malaman ang baho ng iba
Pag bibigyan kita, Kilala mo ba si Magda?
Na aking kababata mula pa ng pagkabata,
Kami lagi magkasama. Mga bangkang papel sa sapa,
Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid
At pag syay dumadaan mga leeg ay pumipilipit
Ubod ng ganda noong sya ay nag dalaga
Tuwing kausap ko na, malimit akong tulala
Kahit may nararamdaman pinilit kong isara ang bibig at pintig ng puso para sa kanya
At sasayawan matapos kaming makapag tapos,
Dahil pinawis ang mukha akoy nag punas ng pulbos
Kahit parang hindi pantay ay nag mamadaling hinila
Pinakilala nya lalake na taga Maynila
Magdalena anong problema, Bakit di ka makawala sa kadena
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda, na hanap buhay mo ngayon
Magdalena anong problema alam naman natin na dati kang nena
na sa iyong ama ikaw ang prinsesa anong nangyari sayo
Maraming taon ako'y nalipasan, pinilit ko mang takasan
Bagkos ay aking nalaman ang tunay kong kailangan
Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba, minamahal ko siya
Hahanapin ko si Magda
Lumuwas habang nagdarasal na maabutan
Sa lugar na ang sabi, kanyang pinagtatrabahuhan
Nakita ko'ng larawan niya na nakadikit sa pintuan
Iba man ang kula'y ng buhok di ko malilimutan
Ang kanyang mata at tamis ng kanyang ngiti
Dahil ubod ng saya hindi na nag-atubili
Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim
Madaming lamesa't mga nag-iinumang lasing
Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta
Sa maliit na entablado ay nakita ko na
Ako ay nagtaka, nagtanong, nagkamot
Bakit siya sumasayaw na sapatos lang ang suot?
Ito'y kwento ng isang babaeng, tulog sa umaga gising sa gabi
Ang kanyang muka'y puno ng kolorete, Sa lugar na ang ilaw ay patay sinde
Ituloy natin ang istorya
Agad siyang sumama sakin, walang kakaba-kaba
Ang trato niya sakin ay nobyo tila kataka-taka
Bumaba sa taxing pinara, sa may Sta. Mesa
Parang ako'y bida sa mga sumunod na eksena
Kung ito ay panaginip ayoko ng magising
Ngunit ako'y nanaginip umaga na nang magising
Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag
Liham para sakin ang isinulat niya magdamag
Kahit gulong-gulo ang isip pinilit kong basahin
Di ko malilimutan ang mga sinabi niya sa akin
Mahal kong Enesto, alam kong tulog mo'y malalim
Di na ko nagpaalam, di na kita ginising
Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay
At sa pinakamasayang gabe ng aking buhay
Nang iniwan ko ang baryo natin, ang akala ko
Isang tunay na pag-ibig ang matatagpuan ko
Hinanap kung saan-saan at kung kani-kanino
Di ko inakalang ito ang kahahantungan ko
Imbis na ako’y sagipin, itinulak sa bangin
Ito palang ibig sabihin ng kapit sa patalim
Kung mabaho sabunin, kung makati gamutin
Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin
Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babae
Na lamang amo’y ng laway ng iba’t-ibang lalaki
Isa lang ang kaya ko sayo’y maipagmalaki
Ikaw lang ang bukod tanging hinalikan ko sa labi
Gusto ko mang manatili sayong mga yakap
Ako ma’y natutuwa dahil ako’y iyong nahanap
Wala na yatang walis na makakalinis ng kalat
At ang katulad ko sa’yo ay di karapat-dapat
Pinangarap kong sa altar ako ay ‘yong ihatid
Ngunit sa dami ng pait, ang puso ko’y namanhid
Di ko makakalimutan ang pabaon mong halik
Pero pakiusap wag kana sana pang babalik
Regalo ng may kapal ang ikaw ay makilala
Salamat sa alaala, nagmamahal Magda
Magdalena anong problema, Bakit hindi ka makawala sa kadena
At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda, na hanap buhay mo ngayon
Magdalena anong problema alam naman natin na dati kang nena
na sa iyong ama ikaw ang prinsesa anong ng yari sayo
Ito’y kwento ng isang babae.